Creamline Cool Smashers, inilampaso ang Choco Mucho Flying Titans; one win away para matagumpay na depensahan ang PVL All-Filipino title

Nakaisa na ang Creamline Cool Smashers kontra sa Choco Mucho Flying Titans sa paghaharap nila sa finals ng Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Inilampaso ng Creamline ang Choco Mucho sa harap ng 17,457 na nanuod sa Araneta Coliseum at nagtapos ang laban sa score na 24-26, 25-20, 25-21, at 25-16.

Humabol ang Creamline at nakumpleto ang come-from-behind win sa ika-apat na set ng laro.


Nanguna para sa panalo ng Cool Smashers si Jema Galanza na kumamada ng 20 points mula sa 18 attacks at 2 blocks.

May 17 points naman na nakuha si Tots Carlos.

Habang nasayang ang 27 points ni Sisi Rondina at 15 points ni Royse Tubino para sa Flying Titans.

Dahil sa panalo, one win away na ang Creamline para depensahan ang kanilang titulong nasungkit sa All-Filipino conference noong nakaraang taon.

Samantala, nakuha naman ng Petro Gazz ang unang panalo kontra sa Cherry Tiggo sa bronze medal series.

Facebook Comments