Manila, Philippines – Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na na-miss informed lamang si Special Envoy to the China Ramon Tulfo sa pagsasabi nitong mga tamad ang mga construction workers sa bansa.
Pabor din sa pahayag ni Bello ang TV at radio personality na si Raffy Tulfo, na hindi tamad ang mga obrerong Pilipino, kontra ito sa naging pahayag ng kanyang nakatatandang kapatid na si Mon Tulfo na ‘tamad’ ang Pinoy construction workers.
Sinabi ni Raffy, hindi alam ng kanyang kuya Mon ang kanyang mga sinasabi at wala itong basehan.
Ayon sa nakababatang Tulfo, mas hinahanap ng mga may-ari ng malalaking kumpanya sa abroad ang mga trabahador na Pinoy dahil masisipag, matiyaga, matiisin at masunurin ang mga ito.
Si Raffy ay higit na nakilala sa kanyang programa sa radyo at telebisyon dahil sa kanyang pagtulong sa mga inaaping manggagawa habang si Mon ay ini-appoint ni Pangulong Duterte bilang Special Envoy to China na ngayon ay magkataliwas ang kanilang pananaw sa nasabing isyu.