HINDI TATAKBO | Kris Aquino, wala raw ambisyon na kumandidato sa 2019

Manila, Philippines – Wala raw ambisyon si Kris Aquino na tumakbo sa pagkasenador sa 2019.

Marami kasi ang nagtatanong kung susundan niya ba ang yapak ng kanyang kapatid na si dating pangulong Noynoy Aquino.

Sa pamamagitan ng isang instagram post, itinanggi ni Krissy ang mga ispekulasyon.


Sa naturang post, sinabi ni Kris na mas maiging matulog na lamang siya kaysa patulan ang mga nagsasali sa kanya sa mga isyung pampulitika.

Saka na lang raw igiit sa kaniya ang isyu sa February 14, 2021 na aniya ay isang ‘perfect 50th birthday celebration’ para sa kanya.

Facebook Comments