TAAS PRESYO | Presyo ng mga bilog na prutas, tumaas

Manila, Philippines – Dalawang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, nagsimula nang tumaas na ang presyo ng mga bilog na prutas.

Kasama na kasi sa tradisyong Pinoy ang paghahanda ng isang dosenang bilog na prutas para sa media noche.

Ayon sa mga tindera ng prutas, tumaas na ang ilang presyo ng imported na prutas gaya ng cherry, ubas at persimmon.


Inaasahan namang tataas pa ang presyo nito sa pagdagsa ng mga mamimili simula ngayong araw hanggang bukas, December 31.

Facebook Comments