HINDI TINANGGAP | Anggulong human error sa pagguho ng itinatayong flyover sa Aguinaldo Hi-way sa Cavite, hindi katanggap-tanggap sa Palasyo

Manila, Philippines – Hindi tanggap ng palasyo ang rason na human error ang dahilan ng pagguho ng itinatayong fly over sa Aguinaldo Highway sa Imus, Cavite noong Sabado.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kung naobserba lang ang “safety first policy” ay maiiwasan sana ang ganitong aksidente.

Kaugnay nito, tiwala si Roque na hindi na kailangang sabihan pa ang DPWH na mas higpitan ang pagbabantay sa mga proyekto at materyales na ginagamit upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari.


Ang 700-meter flyover project ay magkokonekta sa apat na 45 kilometrong Cavite-Laguna Expressway na nagkakahalaga ng 265 milyong piso at nakatakda na sanang matapos sa darating na Disyembre.

Facebook Comments