Manila, Philippines – Hindi tinanggap ng DOJ ang complaint ng NCRPO laban kay Blogger Drew Olivar kaugnay ng bomb scare na ginawa nito sa social media.
Ito ay dahil pinakukumpleto muna ng DOJ ang mga ebidensya sa asunto
Kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 sana ang isasampa ng NCRPO laban kay Olivar.
Nag-ugat ito nang magpost si Olivar sa kanyang facebook account ng babala sa pagtungo sa martial law anniversary rallies sa EDSA noong Biyernes dahil posible raw na maulit ang Plaza Miranda bombing.
Una na ring humingi ng dispensa si Olivar at sinbi nito na nagbabala lang sya para sa seguridad ng publiko.
Facebook Comments