HINDI TINUPAD | Hindi pagbibigay ng mga medical benefit sa mga guro, gustong paimbestigahan sa Kamara

Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio
at France Castro ang hindi pagpapatupad ng medical benefits na nakapaloob
sa Magna Carta for Public School Teachers.

Sa inihaing House Resolution 1759, tinukoy na sa loob ng 51 taon, bigo ang
gobyerno na tuparin ang mandato para sa pagbibigay ng benepisyo sa mga guro
tulad ng libreng medical examination at pagpapa-gamot.

Giit ng mga kongresista, dahil hindi naibibigay ang benepisyo para sa mga
public school teachers, napipilitan ang mga guro na dumukot sa kanilang mga
bulsa para lamang makapag-comply sa compulsory annual medical examination.


Bukod dito, ang mga guro na rin ang sumasalo sa sarili nilang medical bills
na lubhang nakakabigat para sa pang-araw-araw na gastusin ng kanilang mga
pamilya.

Ipinunto pa ng mga mambabatas na ang mga karaniwang sakit ng mga guro ay
pawang mga work-related o occupational diseases pero dahil sa hindi
naipapatupad na probisyon ng batas ay maraming public school teachers ang
pinapabayaan na lamang ang kanilang mga sakit o kaya ay nababaon sa utang
para makapagpa-ospital.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments