Manila, Philippines – Humingi ng paumanhin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga pasaherong naperwisyo sa kampanyang “Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, nagpahiwatig na ang Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT na pagbigyan ang mga jeepney operator ng dalawang buwan para ipaayos ang kanilang mga karag-karag na sasakyan.
Pero hindi aniya nangangahulugang titigil na ang panghuhuli sa mga bulok at mausok na sasakyan.
Tiniyak rin ng LTFRB na patuloy ang pagsasaayos ng mga special permits para sa mga bus na kukuhanin ang ruta ng mga jeep na natengga dahil sa “Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok.”
Posibleng sa susunod na linggo pa makaaarangkada ang mga ito.
Facebook Comments