IBALIK? | DFA, nakipagpulong sa mga accredited travel agencies hinggil sa hiling na pagbabalik ng 1,000 slot ng passport appointment

Manila, Philippines – Nakipag-pulong na ang Department of Foreign Affairs sa mga samahan ng mga accredited na travel agencies.

Ito’y kaugnay sa kahilingan nilang ibalik sa kanila ang isang libong passport appointment slot para sa kanilang mga kliyente.

Ayon sa DFA, inalok nila ang mga may-ari ng travel agencies ng mobile passport service na kayang makapagproseso ng limang daang pasaporte.


Pero giit ng DFA, kailangan na nila ang listahan ng mga aplikante ng mga travel agency bago ang araw ng pagpo-proseso ng kanilang pasaporte.

Una nang hold ang isang libong slot ng travel agencies para iprayoridad muna ang mga Overseas Filipino Worker at ibang nag-papa-appointment online.

Facebook Comments