NAPOLES SA WPP | DOJ, binansagang Department of Fake Justice

30

Manila, Philippines – Tahasang tinawag ni ACT Teachers Rep. France Castro
na Department of Fake Justice ang DOJ.

Ito ay matapos isailalim sa Witness Protection Program ng Department of
Justice ang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Giit ni Castro, matapos na maabswelto ang mga drug lord, mistulang abswelto
naman ngayon si Napoles.

Nangangamba ang Lady Solon na hindi malayong mangyari na susunod na maging
state witness ang iba pang mga nakinabang sa pork barrel scam.

Sinabi pa ni Castro na tulad sa fake drug lists ni Pangulong Duterte
matapos na ibasura ang drug cases ni Kerwin Espinosa at iba pang big time
drug lord, peke din ang anti-corruption campaign dahil lusot at
namamayagpag ang mga nakinabang sa kaban ng bayan.

Facebook Comments