HINDI TOTOO? | Dating welder ni Kerwin Espinosa, binawi ang unang sasalaysay sa korte

Manila, Philippines – Binawi ng dating welder ni Kerwin Espinosa ang kanyang sinumpaang salaysay na nag-uugnay dito laban sa droga.

Sa kanyang testimonya sa sala ni Manila RTC Branch 26 Judge Silvino Pampilo Jr. sa pamamagitan ng isang interpreter sinabi ni Jose Antipuesto na hindi totoo ang laman ng kanyang nilagdaang affidavit.

Dinala lamang anya siya sa kampo ng pulisya sa Tacloban, Leyte at doon pinapirma sa salaysay.


Tinakot lamang anya siya ng grupo ni PCI Jovie Espinido na idadawit sa kaso ng droga kapag hindi nito idiniin si Kerwin kaya siya napilitang lumagda.

Bukod dito, natatakot din anya siya sa kanyang buhay dahil sa maraming patayan sa bayan ng Albuera.

Ayon sa kanyang abogado mula sa Public Attorney’s Office wikang Filipino ang ginamit sa sinumpaang salaysay pero hindi ito bihasa sa nasabing wika.

Wala rin anyang abogado nang siya ang pumili ng nilagdaan ang affidavit.

Hiniling naman ng prosekusyon na maalis na sa record ng korte ang nasabing affidavit na tinutulan naman ng depensa.

Hindi naman ito pinagbigyan ng korte kaya nanatili sa record ang nasabing dokumento.

Si Antipuesto ay dumalo sa pagdinig ng naka posas ang kamay sa harapan at kasalukuyang nakakulong sa Baybay, Leyte Provincial Jail.

Present din si Espinosa na nakasuot ng bullet proof vest at nakaposas ang kamay sa harap.

Facebook Comments