Manila, Philippines – Pinabulaanan ng Philippine National Police-
Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang mga kumakalat na balita sa social media
at text messages na may sindikatong nangunguha ng bata sa Metro Manila.
Sa nasabing balita, isang puting van umano ang nag-iikot sa Kamaynilaan at
sa mga karatig na lalawigan para manguha ng bata at ibenta ang lamang loob
nito.
Ayon kay AKG Spokesperson Supt. Elmer Cereno, wala namang natatanggap na
reportang mga police station sa Metro Manila at wala ring ebidensya na may
mga nawawala ngang bata.
Aniya kung may katotohanan man ito, dapat ay isumbong agad ng pamilya o
testigo ang nangyari sa pinakamalapit na police station para maaksyunan
agad.
Nanawagan din si Cereno na maghinay-hinay lang sa mga pag-popost sa social
media para hindi magdulot ng panic o takot sa mga residente sa lugar.
Sa kabila nito, nag-abiso pa rin si PNP Chief Ronald Dela Rosa sa mga
magulang na maging vigilante at bantayan ang mga anak.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>