NANLABAN | 2 holdaper, patay sa engkwentro sa Binondo, Maynila

Binondo, Maynila – Patay ang dalawang holdaper sa engkwentro sa San Miguel
Road, Binondo, Maynila.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek na nakasuot ng itim na t-shirt at
grey na short habang ang isa ay pulang shirt at puting short.

Ayon sa Gandara Police Community Precinct, agad na nakahingi ng tulong sa
kanila ang biktimang si alyas Becca matapos itong maholdup ng dalawang
lalaking sakay ng motor.


Nagkahabulan sila at ang mga suspek kung saan naunang nagpaputok ang mga
holdaper, dahilan para gumanti rin ng putok ang mga otoridad.

Nabawi ang bag ng biktima, bukod pa sa narekober isang kalibre 38 baril at
itim na motor.

 

Facebook Comments