HINDI TOTOO | Ulat na pagbawi ng suporta ng “southern command” sa gobyerno, fake news ayon sa AFP

Manila, Philippines – Hindi totoo o Fake news ang isang mensahe na kumakalat sa social media na nagpapahayag ng umano ay pagbawi ng suporta ng “southern Command” sa gobyerno.

Binigyaang diin ito ni AFP Spokesman Col Edgard Arevalo, kasabay ng pagsabi na walang “Southern Command” ang Armed Forces of the Philippines.

Nakalagay sa kumakalat na mensahe, nanawagan ang “southern Command” sa ibang mga AFP units na sumama na sa kanilang pag-aklas laban sa gobyerno.


Ayon kay Arevalo, ang “fake news” ay halatang pakana ng ilang mga indibidwal na ang layon ay magpakalat ng mga kasinungalingan.

Siniguro ni Arevalo na nananatiling tapat ang buong hanay ng AFP sa Chain of Command sa ilalim ng Commander in Chief.

Facebook Comments