NBA | Cleveland Cavaliers, paborito kontra Boston Celtics sa Eastern Conference Finals

Amerika – Kahit number 4 seed lang ang Cleveland Cavaliers, sina Lebron James at mga katropa pa rin nito ang nananatiling paborito kontra sa Boston Celtics sa kanilang Eastern Conference showdown.

Paano naman kasi ang Cleveland ang kampeon sa East nitong nakalipas na tatlong taon.

Hindi rin nawawala sa NBA finals si James simula pa noong 2010, apat na beses dito ay bilang miyembro ng Miami Heat.


Bukod pa rito ang pagpulbos ng Cavaliers sa top seed na Toronto Raptors sa pamamagitan ng 4 game sweep.

Pero sa kabila nito inaasahan pa rin na bibigyan ng Celtics ng magandang laban ang Cavaliers sa kanilang serye na magsisimula sa Martes.

Facebook Comments