HINDI TUMIRIK | MRT line 3, hindi nagkaaberya sa kabila ng pagdagsa ng mga pasahero

Manila, Philippines – Sa kabila ng pagdagsa ng mga pasahero maginhawang nakabiyahe ang mga commuter ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong araw.

Alas 9:00 kaninang umaga, labing-apat na tren ng MRT-3 ang bumabiyahe.

Dahil dito, naiwasan ang pila sa mga istasyon habang nasa lima hanggang pitong minuto lang ang waiting time para sa pagdating ng kasunod na tren.


Matatandaang bago ang long weekend, sinabi ng pamunuan ng MRT na sisikapin nilang makapagpatakbo ng labinlimang tren pagkatapos ng Semana Santa.

Sinamantala rin kasi ng MRT ang mahabang bakasyon para isailalim sa maintenance ang mga tren nito.

Facebook Comments