ROAD CRASH | 14 na pasahero, sugatan matapos bumangga sa poste ang sinasakyang minibus

Cavite City – Sugatan ang labing-apat na pasahero ng isang minibus matapos na bumangga sa poste ng kuryente sa Kawit, Cavite.

Nangyari ang aksidente kahapon kung saan kabilang sa mga nasugatan ang isang sanggol.

Sa ulat, biglang nag-overtake ang bus pero hindi napansin ng driver na may poste pala kung saan ito sumalpok.


Tinutugis pa rin ng mga otoridad ang tumakas na driver ng minibus.

Facebook Comments