HINDI TUTULOY | Pagpunta ni Pangulong Duterte sa Kuwait, malabo na – Malacanang

Manila, Philippines – Malaki ang posibilidad na hindi paunlakan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ng Kuwaiti Government na bumisita ang pangulo sa kanilang bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hanggang sa ngayon ay hindi pa nakapagpapasiya ang Pangulo kung pupunta ito ng Kuwait dahil pinag-aaralan pa ito ng Pangulo hanggang sa ngayon.

Ito ay sa harap na rin ng desisyon ni Pangulong Duterte na magdeklara ng Total Deployment Ban ng mga Overseas Filipino Workers sa Kuwait dahil maraming napapatay na mga Pinoy doon at madami din ang minamaltrato ng kanilang mga employers.


Matatandaan na ipinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang galit sa Kuwaiti Government kung saan binigyang diin nito na kailan man ay hindi alipin ang mga Pilipino kahit saan pamang panig ng mundo.

Facebook Comments