HINDI UMUBRA | Holdaper, arestado matapos makorner ng mga pulis

Parañaque City – Hindi na umubra pa ang palos na galaw ng isang holdaper makaraang makorner ito at maaresto sa San Isidro, Parañaque City.

Nasakote ang suspek na si Erwin Madriaga alyas “Casper” habang nakatambay sa loob ng Silveria Compound kung saan mismong ang biktimang si Don Soriano ang nagturo dito.

Nabatid na hinoldap ng suspek ang biktima saka tinangay ang cellphone nito at perang pambili sana ng barbeque ni Soriano na hapunan nila ng kaniyang pamilya.


Pinaghahanap naman ang hindi pa nakikilalang kasabwat ni Madriaga na siyang may hawak ng cellphone ng biktima.

Facebook Comments