Manila, Philippinbes – Simula’t sapul ay hindi “valid” ang amnesty na ipinagkaloob noon kay Senator Antonio Trillanes IV sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ito ang buwelta ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa pahayag ni Trillanes na hindi raw pwedeng bawiin ang amnestiya na ibinigay sa kanya.
Ayon sa kalihim – walang bisa ang amnestiya dahil hindi naman naka-comply ang Senador sa mga requirement para rito.
Nauna nang sinabi ni Guevarra na walang naging admission of guilt si Trillanes sa mga kinasangkuta niyang Oakwood Mutiny noong 2004 at Manila Peninsula Hotel siege noong 2007.
Nilinaw naman ni Guevarra na masusi at ilang taon itong pinag-aralan bago nakita ang butas sa pinagkaloob na amnestiya kay Trillanes.
Facebook Comments