HINDU FESTIVAL | 55 patay matapos sagasaan ng isang tren sa Northern India

Northern India – Umabot na sa 55 ang nasawi habang 60 naman ang nasaktan matapos sagasaan ng tren ang mga nagdiriwang ng Hindu Festival ng Dussehra sa Amritsar, Northern India.

Sa ulat, nagdiriwang ang mga deboto sa ibabaw ng riles ng tren nang maganap ang trahedya.

Kasalukuyang sinusunog ng mga ito ang isang effigy nang sagasaan sila ng tren.


Posibleng dahil sa lakas ng mga paputok at sigawan kaya raw hindi narinig ng mga biktima ang pagdating ng tren.

Agad naman nakiramay si Indian Prime Minister Narendra Modi sa mga kaanak ng mga nasawi at agad din nitong inutusan ang mga lokal na opisyal na tulungan ang mga biktima ng trahedya.

Facebook Comments