NBA | Raptors wagi kontra Celtics; 113-101

Isinalpok ni Kyle Lowry ang isang step back jumper para selyuhan ang panalo ng Toronto Raptors laban Boston Celtics, 113-101 sa National Basketball Association (NBA).

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Toronto sa bagong season.

Umiskor ng game high 31 points, 10 rebounds at 3 assists si Kawhi Leonard para pangunahan ang Raptors.


Tinapos naman ni Lowry ang laro na may 15 points, 6 assists. Nasayang naman ang 21 points at 6 assists ni Kyrie Irving para sa Boston.

Sa ibang laro, panalo rin ang Minnesota Timberwolves kontra Cleveland Cavaliers, 131-123.

Facebook Comments