Manila, Philippines – Mahigpit ngayon ang pagbabantay ng mga operatiba ng Manila Police District sa mga nagmomotorsiklo na may angkas.
Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo ang paghihigpit ang ginawa ng MPD upang matiyak na hindi na maulit ang nangyaring engkwentro kahapon ng madaling araw na nagresulta ng pagkasawi ng hindi pa nakilalang dalawang lalaki sa Jose Abad Santos kanto ng Antipolo Street Tondo Manila.
Paliwanag ni Margarejo kadalasan na ginagamit ng mga holdaper o kayay hired killer ay motorsiklo dahil madaling makaiwas sa trapiko kapag naisakatuparan na ang kanilang target.
Giit ng opisyal dapat makipagtulungan din ang publiko sa kampanya ng pulisya kontra sa kriminalidad sa lungsod.
Facebook Comments