HINIHIKAYAT? | Pahayag ng Pangulo na pakikipag negosasyon sa abu sayyaf, panghikayat lang – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na hindi parin nagbabago ang posisyon ng Pamahalaan na hindi ito makikipag negosasyon sa mga terorista.

Ito ay sa harap narin ng sinabi ni Pangulong Duterte na dapat ay itigil nalang ang bakbakan at makipag negosasyon nalang sa Abu Sayyaf.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tulad ng paghihikayat ni Pangulong Duterte sa mga miyembro ng New Peoples Army o NPA ay ganito din ang ginagawa ng Pangulo para sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group.


Paliwanag ni Roque, ang mensahe ni Pangulong Duterte sa mga miyembro ng ASG ay sumuko na sa Pamahalaan at mabibigyan ang mga ito ng bagong buhay.
Sinabi din ni Roque na mayroon naring mga miyembro ng ASG na una nang sumuko sa Pamahalaan.

Facebook Comments