Hinihinalaang drug den, nabuwag; 5 mga gumagamit ng iligal na droga, arestado sa Taguig City

Nabuwag ng pinagsanib na pwersa sa isinagawang joint operation ng Southern Police (SPD) Drug Enforcement Unit, District Intel Division at District Mobile Force Battalion ang pinaghihinalaang drug den at limang mga hinihinalaang drug users ang naaresto sa No. 79 Extension, along C6 Service Road, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang suspek na si Christopher Estillore Oroyan, 47 anyos, contractor, residente ng Barangay Lower Bicutan Taguig City, Mark Jacinto Mamonon, 46 anyos, Ronaldo Ocampo Marcelino, 55 anyos, Domingo Tabamo Mata, 49 anyos, construction worker at Felyzarda Amarillo Imson, 49 anyos.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Southern Police (SPD), nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek kung saan narekober sa kanila ang mga armas, 9 na heat sealed transparent plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu na aabot sa humigit-kumulang 42 gramo na nagkakahalaga ngs standard drug price value na ₱285,600.


Paglabag sa RA 9165 at paglabag sa RA 10591 ang kasong isinampa sa mga suspek.

Facebook Comments