NCRPO, magpapakalat ng mga pulis sa mga bus terminal, MRT / LRT Station at mga matataong lugar kasunod ng pagsabog sa Isabela City Basilan

36

Mahigpit ngayon ang ipinatutupad na seguridad ng National Capital Region (NCR) kasunod na rin ng magkasabay na pagsabog sa Isabela City Basilan.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Lt.Col. Jenny Tecson, asahan ng maraming pulis ang ipakakalat sa mga bus terminals, Metro Rail Transit (MRT) / Light Rail Transit (LRT) at iba pang mga matataong lugar kasunod ng naturang pagsabog.

Paliwanag ni Tecson hindi umano maaaring ipagwalang bahala ang nangyaring pagsabog sa Basilan kung saan mayroon pa umanong natitirang mga miyembro ng ASG na may kakayahang gumawa ng karahasan.


Panawagan pa ng NCRPO sa publiko na maging mapagmatyag at ireport sa Himpilan ng Pulisya ang anumang nakikitang may kahina hinalang kilos sa kanilang mga paligid o lugar.

Facebook Comments