Hinihinalang biktima ng Summary Execution, natagpuan sa Malabon City

Manila, Philippines – Isa hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa Brgy Muzon harapan ng isang paaralan sa Malabon City.
 
Hindi pa nakilala ang biktima na nakabalot sa kulay asul na tarpaulin at inilagay sa kulay itim na garbage bag at itinapon sa harapan ng isang paaralan sa naturang lugar.
 
Walang nakakita kung sino ang nagtapon sa pinaghihinalaang biktima ng summary execution.
 
Inaalam na ng pulisya kung mayroong CCTV camera sa pinangyarihan ng insidente upang matukoy ng mga awtoridad kung sino ang mga suspek sa pagpatay sa hindi pa nakilalang biktima.
 

Facebook Comments