PNP Chief, nanawagan sa media na maging patas sa pagbabalita kaugnay sa War on Drugs Campaign

Manila, Philippines – Umaapela rin ngayon sa media si PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na maging patas sa pagbabalita sa kampanya kontra droga ng Pilipinas.
 
Ito ay makaraang manawagan sa media si Tourism Secretary Wanda Teo na i-tone down ang mga balita tungkol sa war on drugs.
 
Pakiusap ni Dela Rosa,  huwag sanang idiin masyado ng media ang datos sa mga patayan sa bansa at huwag palabasin na masama ang war on drug ng Administrasyong Duterte.
 
Kung magbabalita anya ng masama dapat may ibalita ring maganda para balanse ang pagtingin ng publiko sa sitwasyon sa Pilipinas kaugnay sa kampanya may kinalaman sa pagsawata ng iligal na droga sa bansa.


Facebook Comments