Hinihinalang drug personality, nakipagbarilan sa mga pulis sugatan sa QC

84

Manila, Philippines – Sugatan  ang isang umanoy kilabot na ‘drug personality’matapos manlaban sa ikinasang ‘buy-bust’ operation sa San Miguel Area-A street Brgy. Payatas Quezon City.
Patuloy na inoobserbahan sa East Avenue Medical Center dahil sa tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan ang suspek na kinilalangsi Gary Dorimon alias ‘Loloy’.
Si Dorimom ay nasa ‘Drug Watch List’ ng pulisya dahil sa pagpapakalat ng ilegal na droga sa Brgy. Payatas.
Ayon kay QCPD District Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar nagpositibo ang pagbili ng mga operatiba ng 500-pisong halaga ng ilegal na droga kay Dorimon sa mismong bahay nito.
Pero nakatunog umano ang suspek na mga pulis ang kanyangkatransaksyon dahilan para bumunot ito ng kanyang baril na nauwi sa palitan ngputok.
Bukod sa ilang sachet ng shabu, nasamsam din kay Dorimon ang gamit nitong caliber 45 pistol at ang ‘marked money’ na ginamit sa operasyon.

Facebook Comments