Isang hinihinalang drug pusher, arestado sa Mandaluyong City

50

Manila, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Mandaluyong City Drug Enforcement Unit ang isang hinihinalang tulak sa ilegal na droga sa Brgy. Addition Hills Mandaluyong City.
Kinilala ang suspek na si Jo Ar  Cariaga 26 anyos.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nasa Drug Watch List ng   Mandaluyong PNP si Cariaga kayat nagsagawa agad sila ng buy bust operation kung saan nagpanggap na bibili ng shabu ang isang tauhan ng Drug Enforcement Unit atnang iaabot na ang mark money ay agad inaresto ang naturang suspek.
Nakuha sa kanya ang dalawang plastic sachet na mayroong lamang shabu.
Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang kasong isasampa sa naarestong suspek.

Facebook Comments