Hinihinalang holdaper na nakipagbarilan sa mga pulis, patay sa Caloocan City

Manila, Philippines – Patay sa isinagawang follow up operation ang isang hinihinalang holdaper matapos na magsumbong sa himpilan ng pulisya ang nabiktima nitong jeepney driver sa North Caloocan.

Ayon sa PCP 3 Station Commnder Chief Inspector Ronald Cayago dahil sa naturang sumbong agad silang nagsagawa ng operasyon at namataan ang hindi pa nakilalang suspek sa Phase 1, Package 3 Bagong Silang Caloocan City.

Nakipaghabulan pa sa mga awtoridad ang suspek at pumasok sa dalawang palapag na bahay na pagmamay-aari ng isang sundalo.


Nakipagpalitan pa umano ng putok ang naturang holdaper gamit ang kalibe 45 baril na nagresulta sa kanyang pagkasawi.

Inaalam na ng pulisya kung ang napatay na holdaper ay responsable sa mga nangyayaring holdapan sa Caloocan City.
DZXL558

Facebook Comments