Nakatakdang i-turn-over ng PCG sa PNP crime laboratory ang isang kahinahinalang package o silyadong brown envelope na nakuha ng isang mangingisda sa baybaying lugar ng Baras , Catanduanes.
Ayon kay PCG Spokesman Capt. Armand balilo, nasa laot at nangisngisda si John Anthony Tabinas, 27-taong gulang sa bahagi ng Baras , Catanduanes ng kanyang mapansin na palutang-lutang ang isang kulay brown package.
Hindi nagdalawang isip si Tabinas na ipag bigay alam at i-turn- over niya ito sa PCG Catanduanes at nang buksan, sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, nadiskubre na laman ng package ay mga White Crystalyn Substance.
Kayat nakatakdang iturn over ang nakuhang package sa PNP crime lab, upang isailalim sa pagsusuri kung ito ba ay sangkap o high grade shabu.
Nagpasalamat naman ang PCG, sa ginawang ng mangingisda na si Tabinas sa ginawang pag-uulat at pag turn over sa PCG.
Matatandaan na nanawagan ang PCG sa publiko , lalo na sa mga mangingisda kung may makikitang kahina-hinalang hinalang bagay sa laot.