Hinihinalang ‘Militia ng Bayan’, Arestado sa Jones, Isabela

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang magsasaka na Top 5 Most Wanted sa Provincial Level at hinihinalang Militia ng Bayan matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito bandang 9:40 kanina sa pampublikong palengke sa Bayan ng Jones.

Kinilala ang akusado na si Franklin Guillermo, 64 anyos, may asawa at residente ng Brgy. San Sebastian, Jones, Isabela

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMAJ. Jerry Valdez, Hepe ng PNP Jones, sinabi nito na nakatanggap sila ng impormasyon na namataan ang isang lalaki na nagtago sa batas matapos masangkot sa nangyaring pag ambush kay dating Private First Class Estenero Zipagan lulan ng kanyang sasakyan noong May 7, 2019 sa bayan ng jones at agad namang nagsagawa ng intelligence monitoring na nagresulta sa pagkaaresto ng akusado.


Ipinalabas naman ni kagalang galang hukom Bonifacio Ong ng RTC Br. 24 Echague Isabela para sa kasong Pagpatay habang wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng kapulisan ang akusado bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments