Hinihinalang miyembro ng salisi gang, arestado sa Mandaluyong City

32

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Mandaluyong Police Station ang isang hinihinalang miyembro ng salisi gang matapos na ito’y maaresto nang salisihan nito ang isang ginang sa Tiger City Boxing Gym na matatagpuan sa 248 Rosario St., Brgy. Plainview, Mandaluyong City.

Kinilala ang suspek na si Darren Kristopher Simms, 27-anyos, habang ang biktima ay nakilalang si Lilibeth Casabuena, 51-anyos.


Ayon sa pahayag nina Bantay Bayan Efren Ralph Raranga at Richcrowd Aguilar, habang naglalaba ang biktima ng kanyang mga damit sa naturang compound ay inilagay nito ang kanyang cellphone Samsung J7 na nagkakahalaga ng P3,000 sa kanyang tabi.

Pumasok siya sa loob para kumuha ng hanger at pagkalipas ng ilang minuto natuklasan niyang nawawala na ang kanyang ng cellphone.

Napansin umano ni Lea Gonzaga ang suspek na dinampot ang cellphone ng biktima.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad at natiyempuhan ang suspek na nakatayo sa Sitio 1, Sen Neptali A Gonzales St., Brgy. San Jose, Mandaluyong City kung saan positibo itong nakilala ng saksi.




Nakapiit na sa Mandaluyong City Police Station ang naturang pinaghihinalaang miyembro ng salisi gang.

Facebook Comments