Top 7 Most Wanted Person, Timbog

82

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki na itinuturing na Top 7 Most Wanted person sa municipal level sa Brgy. Fugu Abajo, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jingkeyrey Acaso, 47 taong gulang, warehouseman at residente ng Brgy. Fugu Abajo ng bayan ng Tumauini.


Pinangunahan ni PMaj Rolando Gatan, hepe ng pulisya, ang pagsisilbi ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Rogelio S Anapi ng 3rd MCTC Tumauini-Delfin Albano Tumauini, Isabela kay Acaso para sa kanyang kasong Qualified Trespass to Dwelling.

Nang maaresto ang akusado ay agad itong dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon.

Pansamantalang makakalaya ang suspek kung makakapagpiyansa ng halagang Php36,000.00.

Facebook Comments