Thursday, March 12, 2026

HINIHINALANG NINAKAW NA MOTORSIKLO SA MANGALDAN, NAIBALIK NA SA MAY-ARI

Naibalik na sa may-ari ang isa sa dalawang motorsiklo na inabandona sa Brgy. Anolid, Mangaldan noong Martes, Marso 10,2026.

Ayon sa kompirmasyon ng Mangaldan Municipal Police Station, nakuha na ng may-ari ang pulang motorsiklo na iniulat na inabandona sa gilid ng kalsada at natagpuang walang plaka, sira ang takip ng gasolinahan at narektahan ang susihan sa baterya.

Matatandaan na tinitignan ng mga awtoridad kung may kinalaman sa mga insidente ng nakawan ng motorsiklo sa bayan ang mga natagpuang motorsiklo.

Samantala, nananatili naman sa himpilan ng pulisya ang isa pang inabandonang motorsiklo sa Brgy. Bantayan habang hinihintay ang beripikasyon ng may-ari sa Land Transportation Office.

Panawagan ng pulisya, ipagbigay-alam agad ang anumang impormasyon sa kahina-hinalang gawain o personalidad upang marespondehan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments