Sunday, April 19, 2026

MGA MANG-AAWIT NA PANGASINENSE, NAGPASIKLABAN SA KNOCK-OUT ROUND NG THE VOICE OF PANGASINAN SEASON 4

Nagpasiklaban sa husay sa pag-awit ang mga mang-aawit na Pangasinense sa Knock-Out Round ng The Voice of Pangasinan Season 4 sa Alaminos City, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talento, husay, at dedikasyon sa musika.

Naghatid ng kapana-panabik na pagtatanghal ang bawat kalahok na ikinatuwa ng mga manonood na dumalo sa nasabing patimpalak.

Dumalo rin sa programa ang ilang opisyal ng lungsod na nagpahayag ng suporta sa mga kalahok at sa patuloy na pagsusulong ng lokal na talento.

Bahagi ang naturang kompetisyon ng Hundred Islands Festival 2026 na naglalayong magsilbing entablado para sa mga nagnanais sumikat sa larangan ng pag-awit habang ipinapakita ang mayamang musikal na kultura ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments