Hinihinalang Pagrerecycle sa IED na Isinuko ng mga dating NPA, Pinasabog na ng Kasundaluhan

*Cauayan City, Isabela*- Tuluyan ng pinasabog ng pamunuan ng 5th Infantry Division Philippine Army sa publiko at kinatawan ng media ang kabuuang 17 na piraso ng Anti-at Personal Improvised Explosive Devices na isinuko kamakailan ng mga dating kasapi ng New People’s Army.

Ayon kay MGen. Pablo Lorenzo, Pinuno ng 5th ID, ito ay upang mawala ang haka-hakang nirerecycle din ang mga isinusukong kagamitang pampasabog ng mga rebelde.

Matatandaang kabilang sa mga isinuko ng mga dating kasapi ng NPA ay ang limang (5) M16 Rifles, isang (1) M653 rifle, isang (1) Cal 45 pistol, isang (1) Cal 38, isang (1) homemade shotgun at bandila ng NPA na kasalukuyan pang bineberipika kung ito ba ay pag aari ng gobyerno.


Ayon kay alyas “Dennis”, dating Supply Officer ng Central front, KR-CV at recruiter ng NPA sa bayan ng San Mariano, hindi na nito natiis ang pagsisinungaling ng kanyang mga lider dahil hindi rin aniya natupad ang mga ipinangakong tulong para sa kanyang pamilya.

Hinihikayat naman ng pamunuan ng 5th ID ang iba pang rebeldeng grupo na sumuko na upang makamit ang mga programang inilaan ng gobyerno.

Facebook Comments