Sinimulan na ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation proceedings laban sa overstaying na Pakistani national na una nang naaresto ng PNP sa Palawan dahil sa pag-iingat ng baril at pampasabog.
Agad na sinampahan ng kasong paglabag sa Immigration laws ang 29-year-old na si Haroon Bashir.
Ayon sa BI, overstaying na rin sa bansa ang naturang suspected bomb maker Pakistani at walang kaukulang dokumento.
Sa record ng BI, April 28, 2013 nang dumating sa bansa si Bashir at mula noon ay hindi na umalis ng Pilipinas.
Inaalam na ng PNP ang kaugnayan ni Bashir sa local terror group.
Ayon sa Immigration, hindi pa maaaring i-deport si Bashir dahil may kinakaharap pa itong kasong kriminal.
Ilalagay ng BI sa kanilang blacklist si Bashir para hindi na makabalik pa ng Pilipinas sa sandaling mai-deport na ito.