Ayon sa may-ari, palaisipan kung paano napadpad ang naturang aparato sa kanyang sasakyan ngunit inilahad na may nanghiram umano nito ilang araw bago ito matuklasan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Sta. Barbara PS Admin Officer Capt. Alcaide Vinluan Jr., isang GPS tracking device na nakadikit sa battery ng motor ang natagpuan sa sasakyan.
Ang aparato ay natukoy sa pakikipag-ugnayan sa Western Pangasinan 3rd District EOD/K9 Office na tumanggap din dito para sa tamang disposisyon.
Ayon sa opisyal, walang kailangang ikabahala ang mga residente sa pinaghihinalaang improvised explosive device dahil nasawata na ito ng awtoridad.
Hinimok naman ang publiko na agad ipagbigay-alam sa awtoridad sakaling makatagpo ng kahina-hinalang kagamitan upang marespondehan at maiwasan ang aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









