Hinihinalang ulo ng sundalong pinugutan ng Abu Sayyaf, natagpuan na

Manila, Philippines – Natagpuan na rin ang pugot na ulo ng dinukot na sundalo ng bandidong Abu Sayyaf Group o ASG.

Sa ulat, nakita na ang ulo ni Staff Sgt. Annie Siraji sa Patikul, Sulu sa isinagawang search and rescue operations ang 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Si Siraji, na isang Tausug at mula sa Sulu, ay dinukot ng ASG noong April 20 sa Igasan, Patikul, Sulu.


Tinutunton na rin ang mga miyembro ng asg na nasa likod ng kidnapping at pamamaslang.
DZXL558

Facebook Comments