Sundalong dinukot ng Abu Sayaff, pinugutan na

Manila, Philippines – Kinumpirma na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinugutan na ng Abu Sayaff Group (ASG) ang sundalong dinukot sa Sulu nitong Huwebes.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander, Brig/Gen. Cirilito Sobejana – narekober nila ang katawan ni Staff Sgt. Annie Siraji sa bayan ng Patikul alas-tres ng hapon kahapon.

Sa tantya ni Sobejana – tatlong araw na ang nakalipas nang gawin ang pagpugot at madalian lang itong ginawa dahil sa patuloy na operasyon ng militar.


Mariing kinondena ni Sobejana ang aniya’y barbarikong ginawa ng Abu Sayaff.

Dinala na ang katawan ni Siraji sa morge at inaayos ang pag-uwi nito sa kanyang pamilya.
DZXL558

Facebook Comments