Hinihinging immunity ng mga kongresista sa traffic rules, binatikos

Manila, Philippines – Kung no comment at deadma lamang ang LTFRB, batikos naman ang tugon ng transport group sa hinihinging immunity ng mga kongresista sa traffic rules.

Ayon kay Boy Vargas, presidente ng, Alliance of Transport Operators Drivers Association of the Philippines dapat mahiya ang mga mambabatas dahil naturingan silang tagapagpatibay ng batas ngunit sila mismo ay ayaw magpasakop dito.

Aniya, dapat manguna ang mga congressman sa pagkilala na ang batas ay pantay pantay sa lahat.


Idinagdag ni Vargas na hindi maaring idahilan ang abala sa pagdalo ng session ang mga simpleng traffic accidents.

Mayroon naman aniyang backup ang mga congressman na puwedeng magasikaso sa aberya.

Facebook Comments