Manila, Philippines – Inaabangan ng Palasyo ng Malacañang ang pagsosoli ng Tulfo Brothers sa 60 Milyong pisong ibinayad sa Bitag Media ng Department of Tourism.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, musmong ang kampo ng mga Tulfo ang nagsabi na isasauli nila ang ibinayad sa kanila kaya umaasa aniya ang Pamahalaan na tutuparin nila ito.
Kaya naman sinabi ni Roque na bahala na ang Office of the Ombudsman sa COA Report na nagsasabing mauroong conflict of interest sa kontrata dahil magkapatid sina dahing tourism Secretary Wanda Teo at Ben tulfo na mayari ng Bitag Media.
Inihayag ni Roque na mabagal lang ang Ombudsman pero nagsasampa naman sila ng kaso kinalaunan kung may basehan.
Facebook Comments