HINIKAYAT | CBCP, nagpaalala sa mga naglilingkod sa simbahan na huwag nang pumasok sa politika

Manila, Philippines – Hinihikayat ni Bishop Buenaventura Famadico, Chairman of the CBCP Commission on Clergy ang mga pari at iba pang naglilingkod sa simbahan na manatiling non partisan, lalo’t nalalapit na ang 2019 elections.

Aniya, makabubuting manatili na lamang nakatutok sa paglilingkod sa Diyos at Simbahan, at ipaubaya na lamang sa iba ang paglilingkod sa pamahalaan, lalo’t hindi na ito sakop ng kanilang tungkulin.

Gawing halimbawa aniya ang nangyari noon kay Fr. Eddie Panlilio, na nasuspinde sa pagiging pari noong kumandidato at nanalo sa pagka gobernador ng Pampanga noong 2007, ngunit hindi niya natapos anv termino dahil sa election protest noong 2010.


At hindi na muling pinayagang makabalik sa serbisyo bilang isang pari.

Matatandaang, simula sa Huwebes (Oct. 11) hanggang sa October 17, ang itinakdang petsa ng Commission on Election para sa filing ng certificate of candidacy para 2019 midterm election

Facebook Comments