ISINAGAWA | COMELEC, nagsagawa ng walk through kaugnay ng pagbubukas para sa filing ng candidacy sa Huwebes

Manila, Philippines – Nagsagawa ng walk through ang COMELEC Education and Informatiom Division kasama ang media sa 3rd floor ng Palacio del Gobernador.

Ito ang lugar kung saan gagawin ang filing ng Certificates of Candidacy ng mga tatakbong senador sa 2019 Mid-term elections

Layon ng walk-through na tiyaking maayos ang coverage para sa aktibidad na magsisimula sa Huwebes, Oct. 11 hanggang Oct 17


Bukod sa 3rd floor, inilaan din ng COMELEC ang session hall nito sa 8th floor para sa filing ng COC ng mga partylist candidates

Mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon ang pagtanggap ng COC ng Comelec ng mga kandidato sa pagka senador at partylist sa October 11, 12, 15, 16, 17.

Tuloy-tuloy rin naman ang pagsasaayos sa mga gagamiting silid tulad ng filing area para sa mga kandidato, waiting room, at press room.

Facebook Comments