Manila, Philippines – Hinihikayat ng simbahang Katoliko ang mga mananampalataya na dasalin ang panalangin ukol sa papalapit na barangay at Sangguniang Kabataan election.
Ayon kay CBCP Sec. Gen father Marvin Mejia – Pinasimulan na nila ang panalangin na humihiling ng karunungan sa mga botante sa pagpili ng mga nararapat na kandidato.
Aniya, kasama sa hiling sa dasal ang mahusay na pagpili ng mga opisyal sa barangay na magsisilbing tinig ng mga mahihirap, mahihina, inaapi at mga inabandona.
Ang panalangin na nakasalin sa wikang Ingles, Filipino at Cebuano ay dadasalin sa lahat ng mga misa hanggang sa bisperas ng eleksyon.
Facebook Comments