Manila, Philippines – Iniutos ni DILG OIC-Secretary Eduardo Año na ipamahagi na ang pondo ng PCF grant na umaabot sa humigit P980 million.
Para sa taong 2018, ayon kay Año nasa 263 LGUs na ginawaran ng Seal of Good Local Governance ang ‘eligible’ na magkaroon ng access sa insentibong P7 million kada probinsya at mahigit sa P5 million at P3 million para sa lungsod at munisipalidad.
Sa pamamagitan aniya ng subsidiyang ito, mas mapapabuti ang serbisyo at makapagbigay ng mahusay at maaasahang paglilingkod sa taumbayan.
Malaki aniya ang maitutulong ng ‘prize money’ para pondohan ang iba’t-ibang local development projects.
Gumawa rin ng sistema ang ahensya para ma-monitor at matiyak na mapupunta sa mga lehitimong proyekto ang nabanggit na LGU incentive.
Isa na rito ang nakatakdang paglalabas ng ‘operational guidelines’ bilang batayan ng proseso at pamamahala sa mga proposed projects – samaktuwid, laman nito ang mga polisiya at paraan sa tama at wastong implementasyon ng PCF program.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>