Nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko aktibong nakibahagi sa nalalapit na federalism roadshows at konsultasyon para sa isinusulong na pagbabago ng konstitusyon patungo sa sistemang federal na pamahalaan.
Ayon kay DILG Undersecretary for Local Government Austere Panadero, ang dalawang araw na kumperensya tungkol sa ‘Managing Devolved Transition’ sa Pilipinas ay inorganisa ng DILG at ng Forum of Federations, isang international organization ng kinabibilangan ng mga bansang federal.
Kasama din sa pambansang talakayan ang mga miyembro ng Con-Com na nagrerepaso sa 1987 Saligang Batas sa pangunguna ni dating Senador Aquilino Pimentel, Jr.
Ayon pa kay Panadero, ngayong malapit nang matapos ng Con-Com sa mga iminumungkahi nitong pagbabago sa konstitusyon, mas lalong dapat na makilahok ang publiko sa mga diskusyon at ibahagi ang kanilang mga komento upang mabuo ang perpektong modelo ng federalismo para sa bansa.
Magsisimula na ang Federalism Roadshow sa Hunyo 17 sa Dumaguete City.
Hindi aniya imumungkahi ng Con-Com ang pagpapalawig ng termino ng presidente, isang bagay na pinangangambahan ng publiko sa sandaling magtagumpay ang isinusulong na federalismo.