Manila, Philippines – Plano ng Department of Transportation (DOTr) na himukin ang mga Local Government Unit (LGU) na maglaan ng school service para sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Transportation Undersecretary Tim Orbos, ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Aniya, ang mga tricycle sa buong bansa ay hindi nasasakop ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaya ang hurisdiksyon nito ay sa mga LGU.
Una nang ipinagbawal sa Quezon City ang mga tricycle na gawing school service.
Bukod sa hindi otorisado ng LTFRB, wala ring insurance ang mga tricycle hindi gaya ng mga lehitimong school service.
Sa umiiral na ordinansa ng Quezon City, hanggang apat na tao lang ang pwedeng isakay ng tricycle at bawal ang bata na mag-back ride.